-- Advertisements --

ILOILO CITY – Depression ang isa sa mga itinuturong dahil ng pagpapakamatay ng isang 16-anyos na binatilyo sa Dumangas, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si “Potot,” residente ng Brgy. Rosario.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Master Sgt. Ronald Dominez, imbestigador mula sa Dumangas Municipal Station, sinabi nito na tila may mabigat na problema ang binata kaya ito mismo ang kumitil sa sariling buhay.

Nag-iwan pa raw ito ng suicide note kung saan humingi ng tawad sa mga magulang, gayundin na nagbilin na pag-aralin ang kapatid para maging seaman.

Agaw pansin naman ang isa pa nitong balin para sa kanyang araw ng libing dahil ang tugtog na “Budots” ang nais daw nitong ipatugtog para hindi malungkot ang kanyang pamamaalam.