-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pananaga sa syudad ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima na si alyas James,28 anyos na residente ng Barangay Manongol Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya na lasing at biglang nagwala ang binata dahil sa alitan sa nasira nyang motorsiklo.

Hinabol ni James ang anak nya sa pagkabinata at tangka sanang saksakin ng star crew,pati ang kanyang ina at mga kapatid.

Nagsabi pa ang binata na patayin na lamang sya bago pa sila ubusin nito.

Agad namang sinubukan silang buwagin ng nakakatandang kapatid na si Alyas Roel ngunit mas lalo pa itong nanggagalaiti.

Tinaga ng biktima ang kapatid ngunit nakailag ito kaya ginantihan sya at nasawi.

Hindi naman magsasampa ng kaso ang mag-asawa laban sa kanilang anak na nakapatay sa kanyang kapatid dahil anila self-defense ang nangyari.

Malaya ito ngayon at nagluluksa rin sa sinapit ng kanyang kapatid.