LAOAG CITY – Patay ang isang binata sa nangyaring aksidente sa Ilocos Norte – Abra Road sa Brgy. Lorenzo sa bayan ng Banna.
Ayon kay Police Major Chris Anthony Sorsano, ang chief of police ng Philippine National Police – Banna, ang biktima ay 19-anyos, awalang asawa at residente sa Brgy. Valenciano sa nagturang bayan.
Sinabi nito a base sa kanilang imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorsiklo at nang maratong ang kurbang bahagi ng kalsada at nawalan ng kontrol.
Dahil dito, bumangga ang biktima sa concrete bridge na dahilan para magtamo ng sugat partikular sa kanyang ulo.
Inihayag pa nito na lumalabas na nakainom ng alak ang biktima nang mangyari ang aksidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito.