LA UNION – Patay ang isang binata sa aksidente sa kalsada dakong alas-9:10 ng umaga kahapon sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union.
Kinilala ang biktima na si Shane Osmar Reyes, 19, ng San Juan, La Union.
Ang motorsiklong minamaneho ng namatay at ang tanker truck, plate number AZA 322, nakarehistro sa Bauang Nisce Trucking Corporation, na minamaneho ni Darlito Medriano Gatchalian, 44, may asawa, residente ng Barangay San Eugenio, Nativity, Pangasinan.
Ayon sa San Juan Police Station, binabaybay ng motorsiklo ang southbound nang bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela dahilan para mahulog ito sa kalsada.
Nabangga umano ang biktima ng kasalubong na tanker truck mula sa south patungong northbound.
Isinugod ang biktima sa Ilocos Training Regional and Medical Center ng mga rumespondeng tauhan ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician habang ang driver ng tanker truck ay hindi nasaktan ng anumang pinsala at isinugod sa Bacnotan District Hospital para sa medikal na pagsusuri matapos na isinuko rin siya sa San Juan Police Station para sa buong dokumentasyon at disposisyon.
Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang insidente.