-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang binata matapos na malunod sa Barangay Lakawan Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Sean, 19-anyos, residente ng Brgy. Mayao, Crossing sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pumunta umano ang biktima kasama ang kanyang mga barkada sa isang ilog upang maligo.

Pero ang biktima ay nakapunta sa malalim na bahagi ng naturang ilog at nahirapan na umanong umahon.

Ayon naman sa CDRRMO na nagresponde sa pinangyarihan ng insidente kasama ang BFP Tayabas, ang biktima ay kaagad naman na isinugod sa ospital pero ideneklara rin na dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.