CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang binata sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Ryan Jay Pagunsan,18 anyos at residente ng Barangay Poblacion 2 Midsayap Cotabato.
Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na nakatayo lamang ang biktima sa isang tindahan sa Brgy Salunayan sa bayan ng Midsayap at naghihintay nang masakyan pauwi ng kanyang tahanan galing sa paglalaro ng basketbol.
Bigla na lamang dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril si Pagunsan gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Datu Piang Maguindanao.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo,likod at dibdib.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.