-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang binata sa nangyaring sunog sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Paulo Peñalosa, 23 anyos at residente ng Barangay Anick Pigcawayan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Pigcawayan) ay bigla umanong nagliyab ang malaking apoy sa loob ng tahanan ng biktima.

Sinubukan pa napulahin ng mga kapitbahay ang sunog at iligtas ang binata ngunit nabigo sila.

Naabo na ang tahanan nang dumating ang mga pamatay sunog at patay na rin ang binata ng itoy malitson ng buhay.

Gawa sa kahoy ang bahay o light materials kaya mabilis itong tinupok ng apoy.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at BFP Pigcawayan sa nangyaring sunog.