-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Hindi na umabot pang buhay sa Butuan Medical Center ang 36-anyos na si Sergio Amampang Alcala, may live-in partner at residente ng Purok 3, Osmeña, Brgy. Banza, nitong lungsod nang ito’y matagpuan ng kanyang minor-de-edad na anak na nakabitin na sa puno ng Narra dakong alas-sais kagabi.
Napag-alamang pinaghahanap ng bata ang ama dahil sana maghahapunan na nang ito’t kanyang namataang nakabitin kung kaya’t kaagad na humingi ng saklolo.
Gumamit ang biktima ng isang improvised string na gawa ng fabric material.
Napag-alamang may depression ang biktima at ilang ulit na ring nagtangkang magpakamatay.