-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Umani ng samu’t saring reaksyon ang isang binata matapos na nagbisikleta lamang mula Metro Manila pauwi sa Eastern Samar.

Kinilala ang ngayo’y agaw-pansin na si Peter Roncales, 19-anyos na residente ng Oras, Eastern Samar.

Ganap na alas-9:00 umano ng gabi nang makarating ito sa Taft, Eastern Samar at doon na sinundo ng Oras.-local government unit.

Ayon kay Roncales, inabot siya ng 10 araw sa pagbisikleta mula Paranaque pauwi sa kanilang probinsya.

Kuwento nito, napilitan siyang mag-bike dahil wala itong pamasahe lalo’t nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya.