-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinuli ng mga pulis ang isang lalake nang makunan ng hindi lisensyadong baril sa Barangay Poblacion 8 Midsayap Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Jeiger Antic, 25 anyos, binata na residente ng Sta. Maria Davao Del Sur.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonal Rolly Oranza na nagtatrabaho sa isang kainan si Antic dahilan ng kaniyang pamamalagi sa bayan.

Nakatanggap ng report ANG Midsayap MPS mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang kahina-hinalang lalake na may dala-dalang baril.

Agad naman itong nirespondehan ng mga pulis at nakita ang suspek na lango sa alak at nakumpirmang may dalang baril na isang kalibre.45 na pistola na nakasukbit sa kanyang baywang.

Wala namang maipakitang kaukulang dokumento si Antic para sa dala nitong baril dahilang upang siya ay arestuhin.

Kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa gun ban ang kakaharapin ng suspek.