CAUAYAN CITY- Namatay ang isang binata matapos magbaril sa sarili sa tabing ilog sa barangay lusod, Maddela,Quirino.
Ang biktima ay si Clifford Ladder Bustamante, nasa tamang edad at residente rin sa nasabing barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaster Sergeant Isagani Pauig, investigator on case ng Maddela Police Station sinabi niya na nagreport sa kanilang himpilan si Barangay Kapitan Francisco Gadigan ng Lusod, Maddela tungkol sa pagbabaril sa sarili ng isang lalaki.
Ayon umano sa kasamahan ng biktima, nang nag-iinuman umano sila ay nabanggit nitong mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang kasintahan na maaring naging dahilan para barilin ang kanyang sarili.
Ang ginamit na baril ay isang cal. 38 revolver na homemade gun.
Kumbinsido naman aniya ang pamilya ng biktima na nagpakamatay at hindi na rin sila humingi ng anumang imbestigasyon.