CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang isang binata na kasama sa Directorate for Intelligence Watchlist sa Barangay Centro Poblacion, Ilagan City.
Ang inaresto ay si Julius Caesar Fontanilla, 24 anyos, binata, at residente ng Barangay Bagumbayan, lunsod ng Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Richard Limbo, deputy chief of police ng Ilagan City Police Station sinabi niya na nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa pagbebenta na naman ng droga ng suspek kaya nila minanmanan at ng mapatunayan ay nagsagawa na sila ng anti-illegal drug buy bust operation.
Aniya, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station, PDEA Regional Office 2 at NBI na nagresulta ng pagkakaaresto ng pinaghihinalaan.
Nakuha sa kanya ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu gayundin ang buy bust money.