CAUAYAN CITY – Patay ang binatang sakay ng motorsiklo matapos nitong mahagip at mabangga ang dalawang sasakyan sa pambansang lansangan sa Barangay Manaring.
Ang mga sasakyang minamaneho ni Daniel Abenojar, 47, may-asawa, magsasaka, residente ng Capellan, Ilagan City at ang Honda Beat na minamaneho ni Kyle Lawrence Balisi, 18, binata, residente ng Marana First, Ilagan City ay parehong patungong hilagang direksiyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay ang Isuzu Hi-Lander ay bumagal ang takbo dahil sa inilagay na barikada ng isang paaralan.
Pinagbigyan naman ang makakasalubong na sasakyan subalit mabilis ang sumusunod na motorsiklo na minamaneho ni Balisi.
Dahil dito nahagip ni Balisi ang rear left flasher ng sasakyan ni Abenojar at nabangga ang makakasalubong na Fuso truck na minamaneho ni Charlie Clavero, 44, may-asawa at residente ng Rang-ayan, lungsod ng Ilagan.
Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Balisi na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital ng kanyang attending physician.