-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang Isang waiter matapos mabangga ang sinasakyang tricycle ng isang ten wheeler wing van Pambansang Lansangan sa Brgy. Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Ang mga nasangkot aksidente ay ang 10-wheeler wing van na nakarehistro sa VNS Logistics Service Phils. Corpporation na may address sa Caloocan City na minamaneho ni Romeo Diongzon, 39 anyos, may-asawa, residente ng Tandang Sora Avenue Quezon City at Isang tricycle na minamaneho naman ni Vicente Macanas, 23 anyos, binata, isang waiter at residente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Sakay ng kanyang tricycle ay binabaybay ni Macanas ang lansangan patungong hilagang direksyon habang nasa kasalungat na direksyon ang ten wheeler wing van.

Nang malapit na sa isang buying station ay umagaw ng linya ang minamanehong 10-wheeler wing van ni Diongzon dahilan para mabangga ang tricycle .

Bumaliktad ang tricycle sanhi upang magtamo ng malubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tsuper nito na dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng Rescue 922.

Binawian naman ng buhay si Macanas habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Hindi naman nasaktan ang tsuper ng naturang wing van .

Dinala naman sa Reina Mercedes Police Station si Diongzon para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.