-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang turistang naaresto sa isang checkpoint operation sa Kilometer 49, Sayangan, Paoay, Atok, Benguet.

Nakilala itong si Jonathan Bista Esteron, 25-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Block 2, Lot 14, Teresa Homes, Tarlac.

Nakumpiska sa kanya ang isang itim na backpack na naglalaman ng tatlong balot ng napatuyong dahon ng marijuana.

May bigat na dalawang kilo ang mga nakumpiskang kontrabando na nagkakahalaga ng P240,000.