-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na umabot pang buhay ang 17-anyos na binatilyo matapos makuryente habang magkakabit sana ng antenna sa bubong ng kanilang bahay.

Nakilala ang biktimang si Brylle Hompeo, residente ng Purok 2A, Brgy. Taguibo nitong lungsod ng Butuan.

Nalaman sa inisyal na imbestigasyon ng Butuan City Police Station 5 na umakyat umano ang biktima sa bubungan ng kanilang bahay nang aksidente nitong mahagip ang mainline ng kuryente ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) sanhi ng kanyang pagkatapon.

Kaagad itong dinala sa Butuan Medical Center ngunit dahil sa matinding paso na natamo sa katawan ay kaagad na itong namatay.