-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang binatilyo at sugatan ang kanyang kasama nang mahagip ng pampasaherong van sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Abdul Mohaimen Silo,14 anyos at sugatan ang kanyang kasama na si Ronan Baranda,13 anyos,mga residente ng Barangay Sarmiento Parang Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ng motorsiklo ang mga biktima patungo sana sa kanilang paaralan sa Brgy Sarmiento sa bayan ng Parang nang mahagip sila ng pampasaherong D4D Van na minamaneho ni Rene Morales.

Naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Silo.

Sinabi ng mga nakasaksi sa vehicular crash na mabilis umano ang takbo ng van na bumangga sa kasalubong na motorsiklo.

Sumuko naman sa pulisya ang driver at sasampahan ng kaukulang kaso.