-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 16-anyos na binatilyo matapos malunod sa waterfalls sa boundary ng Barangay Agcococ at Barangay Artuz, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang biktima na si alyas Albert , grade 7 student ng Sitio Mawang, Barangay Candelaria, Tapaz.

Ba-se sa inisyal na imbestigasyon ni Police Senior Master Sergeant Rocer Garde, imbestigador ng Tapaz PNP lumalabas na pumunta ang biktima kasama ang mga kaibigan sa Pangilasan Falls para maligo.

Isa isang tumalon ang mga kasamahan ng biktima sa waterfalls ngunit ikinagulat ng hindi na lumitaw sa tubig si alyas Albert.

Humingi ng tulong ang kasamahan ng biktima sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Tapaz na kaagad nagresponde sa lugar.

Samantala nakita na lamang na lumulutang sa ilog ang bangkay ng binatilyo.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang bangkay ni Alyas Albert.