-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hinihintay na lang ng pamilya ang resulta ng autopsy examination ng binatilyo na nalunod sa Aganan River sa Brgy. Sto. Niño, San Miguel, Iloilo.

Ang biktima ay isang 14 anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Richard Lao, officer-in-charge ng San Miguel Municipal Police Station, sinabi nito na kasama ng biktima ang kanyang kapatid at kaibigan sa paliligo sa ilog.

Ayon kay Lao, naunang umahon ang kapatid ng biktima at mga kaibigan nito.

Matapos ang ilang oras, na-missing na ang biktima.

Kalaunan, nakita na lamang ito ng mga kabataan na dumaan sa lugar na nakalutang na sa ilog.

Dinala pa sa ospital ang biktima, ngunit dineklara ng doktor na dead-on-arrival.