-- Advertisements --
Arestado ang isang 15-anyos na binatilyo sa Bangladesh dahil sa pambabatikos gamit ang social media laban kay Prime Minister Sheikh Hasina.
Ayon sa mga kapulisan ng Bhaluka, inaresto nila si Mohammad Emon matapos na isumbong sa kanila ng local official sa pagmumura nito sa Prime Minister.
Sa reklamo ng local councilor Tofayel Ahmmed, nagpost ang inireklamo sa kaniyang Facebook kung saan ang bawat buwis sa cellphone load ay ibinubulsa ng Prime Minister.
Kahit na binura na nito ang post ay dadalhin pa rin ng mga kapulisan ang binatilyo sa reformation center para pagnilayan ang kaniyang ginawa.