-- Advertisements --

Pumanaw ang isang 14-taong gulang na binatilyo sa Vitoria da Conquista, Brazil, kung saan matapos mag-inject ng patay na paruparo sa kanyang binti.

Kinilala ang biktima na si Davi Nunes Moreira na nanatili nang dalawang linggo sa ospital at dumanas ng matinding sakit dulot ng allergic reaction o impeksyon.

Ayon sa ulat, inamin ni Moreira na hinalo niya ang patay na paruparo sa tubig at ininject ito sa kanyang katawan bilang tugon sa social media challenge.

Agad lumalala ang kalagayan ni Moreira, kaya’t nagduda ang mga doktor sa posibleng sanhi ng kanyang kalagayan. Isang espesyalista sa ospital ang nagsabi na maaaring nagkaroon ng embolism, impeksyon, o allergic reaction ang bata.

Ipinunto pa ng doctor na kung paano inihanda ang halo ng paruparo at kung may hangin ba na na-trap sa loob, na maaaring magdulot ng embolism. Ang embolism ay isang blockage sa daluyan ng dugo na maaaring magresulta sa biglaang pagkamatay ng biktima.

Ipinahayag din ng mga eksperto na maaaring naglalaman ng lason ang paruparo, na nagdulot ng septic shock, isang kondisyon na nangyayari kapag kumalat ang impeksyon sa buong katawan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa bansa kung ang batang si Davi Moreira ay kasali sa isang mapanganib na social media challenge na maaaring nagdulot ng kanyang pagkamatay.

Habang naghihintay pa ang mga awtoridad ng resulta ng post-mortem upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay.

‘The autopsy results will provide clarity on the cause of death. Our aim is to uncover the full truth of what happened,’ pahayag ni spokesperson for the Civil Police sa Vitoria da Conquista.