-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isasailalim sa counselling ang 15-anyos na binatilyo na biktima ng “Momo” challenge sa Lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Manang Inday, sinabi nito na malaki ang naging epekto ng paglalaro ng Momo challenge sa isipan ng kanyang anak.

Ayon sa ina, hindi umano nito makausap nang matino ang kanyang anak at makikita ang takot sa kanyang mukha.

Labis umano ang pagkahabag ni Manang Inday nang aminin ng kanyang anak na magpapakamatay ito kapag hindi naisagawa ang Momo challenge.

Ani Manang Inday, mas mainam na maipagamot sa isang eksperto ang kanyang anak upang hindi na manumbalik ang trauma na naramdaman nito.

Sa ngayon, pansamantala munang hindi pumasok sa paaralan ang biktima.