-- Advertisements --

NAGA CITY-Sugatan ang isang binatilyo pagkatapos na mabanggaan ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang bus sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rgay Felix Florendo, 19-anyos, residente ng Brgy. Villa Belen, Quezon, Quezon Province.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng biktima gamit ang kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Maharlika Highway na sakop pa ng Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon nang matamaan ng bus na minamaneho ni Allan Badinas Lozada, 43-anyos, residente ng Brgy. Villa Belen, Quezon, Quezon Province, ang likod na parte ng motorsiklo ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nasugatan sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Florendo na kaagad na dinala sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente.