-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at bali sa katawan ang isang binatilyo nang tumalon sa overpass sa Kidapawan City nitong gabi ng Martes.

Nakilala ang biktima na si alyas Biboy, 16 anyos at residente ng Purok 1 Barangay Mateo Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya na bigla nalang umanong tumalon ang biktima sa overpass sa lungsod ng Kidapawan.

Naisugod pa si Biboy sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.

Matindi umano ang problema ng binatilyo sa pag-ibig kaya hindi nya kinaya,sobrang depress at naisipang magpakamatay.

Wala namang nakitang foul play ang Kidapawan City PNP sa naturang pangyayari.