-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nasa kamay na ng Social Development Center ang isang menor de edad na umano’y nangmolestya sa isang babae sa loob ng computer shop sa Upper Quezon Hill, Baguio City.

Ang complainant ay 19-anyos, estudyante at residente ng Quezon Hill, Baguio City habang ang suspek ay isang lalaking menor de edad din.

Batay sa blotter ng pulisya, hinawakan umano ng menor de edad ang puwetan ng biktima at tinangka nitong ipasok ang kanyang kamay sa loob ng palda ng biktima.

Hinawakan pa umano ng binatilyo ang baywang at legs ng biktima ng tatlong beses.

Dahil dito, nagtungo ang dalaga sa himpilan ng pulisya.

Naipasakamay na sa Women and Children Protection Desk ang nasabing kaso.