-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng otoridad ang isang menor de edad na suspek sa pagsunog ng kanilang sariling bahay sa Lucena City, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, dinala umano ng isang barangay tanod ang binatilyo matapos umanong aminin na siya ang nasa likod ng pagkasunog ng kanilang bahay.

Napag-alaman na nitong nakaraang Lunes nang magkasugatan ang suspek at ang kanyang ina.

Sa galit umano niya ay sinunog niya ang kanilang bahay gamit ang isang disposable lighter.

Nakaresponde pa sana ang mga bomber ngunit inabot pa ng sunog ang bahay ng kanilang kapitbahay.

Umabot ng mahigit isang oras ang sunog bago naapula kung saan naitala ang aabot sa P10,000 na danyos.

Matapos nito ay agad na tumakas ang binatilyo ngunit naaresto lang din matapos ang hot pursuit operation ng otoridad kung saan narekober pa dito ang ginamit niyang disposable lighter.