Kinasuhan na ng terorismo ang 16 anyos na binatilyong suspek sa pananaksak sa Obispo ng Christ The Good Shepherd Church sa Sydney, Australia habang nagmimisa ayon sa Australian police.
Kinastigo ng pulis mula sa joint counter terrorism team ang suspek na nasa ospital habang nagrerekober sa tinamong injuries nito noong araw ng Huwebes at kinasuhan ito ng pag-commit ng terrorist act.
Sakaling ma-convict ang suspek, papatawan ito ng maximum penalty na habambuhay na pagkakakulong.
Matatandaan na nangyari ang stabbing incident kay Bishop Mar Mari Emmanuel noong Lunes, 2 araw lamang ang nakakalipas matapos ang hiwalay na insidente ng pananaksak sa isang shopping center sa Sydney noong nakalipas na Sabado na kumitil sa 6 na katao kabilang ang suspek at ikinasugat ng 12 katao.