Bumaba ang binayarang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Paliwanag ng Bureau of Treasury, ito ay bunsod ng mas mababang principal payments ng gobyerno sa domestic creditors.
Ang binayarang interest at principal amount ng utang ng gobyerno o debt servicing ay nasa P293.61 billion noong Pebrero, ito ay 22% na mas mababa kumpara sa P375.71 billion na binayaran noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Bunsod nito, umaabot na sa P452.51 billion ang kabuuang nabayaran ng gobyerno sa loob ng 2 buwan ngayong 2024.
Mas mataas naman ito ng 7% kumpara sa P423.545 billion sa parehong period noong nakalipas na taon.
Samantala, ang kabuuang utang ng gobyerno noong Pebrero 2024 ay pumapalo sa P15.18 trillion.
Tumaas ito ng 0.3% mula sa P14.79 trillion na naitalang utang ng gobyerno noong Enero 2024.