-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Shock si Bombo international correspondent Genelyn Chanjueco-Zeid na wala siyang nakitang kahit isa man lang Pinoy media man sa media room na inilaan ng mga organizers ng Paris Olympics 2024.

Sa kanyang report sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Zeid na ibang mga media nationalities ang kanyang nakahalubilo sa loob ng media room na may malalaking mesa na maaaring mapagkasyahan ng hanggang30 katao bawat-isa.

Tangi niyang nakahalubilo ay ang mga media men ng ibang bansa gaya ng Vietnam, Cambodia, South Korea, Estados Unidos, New Zealand, Australia at iiba pa.

Laking mangha niya na siya lamang na correspondent ng Bombo Radyo Philippines para sa Olympic Games 2024 ang nandoon.