CENTRAL MINDANAO-Nakatakdang mamamahagi ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MAFAR-BARMM ng 500 sako ng palay seed ang ilan sa mga magsasaka sa anim na barangay na sakop na ng rehiyon sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato.
Ayon kay Assistant to the Minister for Operation Engr. Esmail Guiamel, ang naturang mga farmer beneficiaries ang kauna-unahang tatanggap ng binhi ng palay sa mga barangay na sakop na ng BARMM sa North Cotabato.
Kahapon, isinagawa ang Ceremonial Distribution ng naturang tulong mula sa MAFAR-BARMM kasama si North Cotabato 1st District Board Member at Coordinator ng 63 barangay sa North Cotabato na si Board Member Mohammad Kelly Antao.
Matapos isinagawa ang seremonya ay agad naman itong inihatid sa bayan ng Pigcawayan para sa monitoring and distribution.
Dagdag pa ni Guiamel, asahan na ng mga magsasaka na matapos ang gagawing validation ay agad nang sisimulan ang pamamahagi ng tulong na rice seeds.