-- Advertisements --
Nadomina ng Pinay girl group na BINI ang top music videos ng Youtube.
Base sa datos ng YouTube na ang music video ng grupo na “Salamin, Salamin” ay maituturing ng most watched video sa Youtube dito sa Pilipinas.
Mayroon itong mahigit ng 73 milyon habang ang lyric video para sa parehas na kanta ay nakuha ang ika-walong puwesto na mayroong 23 milyon views.
Ang isang kanta naman ng grupo na “Cherry On Top” ay nasa ikalawang puwesto na mayroong 43 milyon na views.
Ngayong taon ang listahan ng top music videos sa YouTube sa bansa ay kinabibilangan ng mga kanta mula sa local talents.
Maliban lamang sa kanta nina Lady Gaga at Bruno Mars na “Die With A Smile” na nasa pang-anim na puwesto.