-- Advertisements --
Todo ang ginagawang paghahanda ng girl group na BINI para sa kanilang BINIverse World Tour.
Magsisimula ang ito sa Philippine Arena sa araw ng Sabado.
Ayon sa grupo na labis ang kanilang kasabikan dahil ito ang unang pagkakataon na magtanghal sa Philippine Arena.
Matapos ang Pilipinas ay magtutungo sila sa Singapore, US, Dubai at London.
Tiniyak ng grupo sa mga fans na mayroong kakaiba silang matutunghayan na hindi nila napanood sa mga nagdaang sold-out concerts sa Araneta Coliseum noong nakaraang taon.