-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ng P-pop girl group na BINI matapos na mapabilang sila sa 12 Rising Girl Group to Know Now” ng Grammy Awards.

Sila lamang ang Filipino girl group na nakasama sa nasabing listahan.

Ang pagiging pang-apat na puwesto sa listahan ay itinuturing ng Grammy na ang P-po ay nagiging pinakamabilis na umangat sa music market.

Ang grupo ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena.

Kasama nila sa listahan ang South Korean groups na UNIS, ARTMS, VCHA, Kiss of Life, NiziU at BLACKSWAN.

Kabilang din ang Thai group na 4EVE, American groups na Citizen Queen at SZNS ganun din ang British trios na FLO at Say Now.

Magugunitang nominado na rin ang grupo sa 16th Star Awards for Music at 2024 MYX Awards.

Sila rin ay nakatanggap ng Voices of Asia sa “Billboard K Power 100” na ginanap sa Seoul, South Korea noong Agosto.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Salamin, Salamin”, “Pantropiko”, “Lagi”, “Cherry on Top” at maraming iba pa.