-- Advertisements --

Napilitang tapusin ng maaga ng OPM group na BINI ang kanilang pagtatanghal sa 126th Independence Day celebration sa Quirino Grandstand.

Kasunod ito sa hindi na makontrol ang mga nanood na mga fans.

Nakiusap kasi ang grupo sa ilang fans na bumaba sa scaffolidngs at umatras dahil sa nagsisiksikan na sa harap ng stage.

Dahil sa inalala ng grupo ang kaligtasan ng mga fans ay minabuti na lamang nila na tapusin ng maaga ang kanilang pagtatanghal.

Nagpasalamat ang naman ang grupo sa mga dumalo at nanood sa kanilang concert at humingi na lamang sila ng paumanhin.