-- Advertisements --
Magkakahalong saya at kaba ang nadarama ng Pinay girl group na BINI para sa nalalapit na nilang tatlong araw na concerts.
Gagaganapin kasi sa darating na Nobyembre 16-18 ang kanilang “Grand BINIverse” sa Araneta Coliseum.
Ayon sa grupo na labis ang kanilang kaba dahil ito ang pinakaunang pinakamalaking konsyerto nila.
Dahil dito ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang ensayo.
Pinasalamatan na rin nila ang mga makakasama sa konsyerto gaya nina Gary Valenciano, Maymay Entrata, at ang mga drag queens na sina Vinas Deluxe, Precious Paula Nicole at Maxie Anderson.