-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng Grand BiniVerse concert ang Pinay girl group na BINI.

Ito ay matapos ang matagumpay na tatlong gabi ng konsiyerto sa New Frontier Theater.

Matapos kasi ang ikatlong gabi nitong Linggo ay inanunsiyo ng grupo ang pagkakaroon nila ng konsiyerto sa Oktubre 4 sa Araneta Coliseum.

Layon ng nasabing konsiyerto na makapanood ang maramin fans nila dahil marami pa rin ang bigong makabili ng tickets sa 3-night concerts nila.

Sa darating din na Hulyo 11 ay ilalabas nila ang bagong kanta na “Cherry On Top”.