-- Advertisements --
Muling nagtala ng panibagong record ang Pinay group na BINI.
Umabot na sa kasi sa 1-bilyon all-streams sa Spotify ang nasabing sikat na Pinay girl group.
Sa kanilang social media account ay pinasalamatan nila ang kanilang mga fans sa buong mundo.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga fans sa buong mundo.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay naging matagumpay ang kanilang “BINIVerse World Tour 2025” na ginanap sa Philippine Arena.