-- Advertisements --

Naglunsad ng donation drive para sa mga biktima ng bagyong Kristine ang girl group na BINI para sa biktima ng bagyong Kristine.

Ilan sa mga miyembro kasi ng grupo ay taga-Bicol ,Isabela at Batangas na dinaanan ng bagyo.

Ayon sa grupo na sa Pasko pa sana nila balak magsagawa ng donation drive subalit dahil sa may bagyo ay isasagawa na nila ngayon ang pangangalap ng tulong.

Una rito ay nagsagawa na ang donation drive ang fans ng grupo na BLOOMS kung saan ibinigay nila ang mga tulong sa mga nasalanta ng bagyo.