-- Advertisements --

Nagpasya ang P-pop girl group na BINI na magsagawa ng ikalawang araw ng kanilang “BINIverse” concert.

Ayon sa organizer ng concert na isasagawa ito sa Hunyo 29 sa New Frontier Theater.

Ang nasabing desisyon ay matapos na maraming mga fans ng grupo ang humiling na magsagawa ng ikalawang araw na concert.

Sa unang araw kasi ng concert nila ay naubos agad o soldout agad ang tickets sa loob ng dalawang oras.

Magsisimula naman sa Abril 9 ang pagbebenta ng tickets ng grupo para sa ikalawang araw ng concert.

Ang grupo ay binubuo Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena.

Sumikat ang grupo noong 2021 sa kanta nilang “Born To Win”.