-- Advertisements --

Itinuturing na isang makasaysayan ang ginawang pagtatanghal ng Pinay girl group na BINI sa KCON LA 2024 music festival.

Sila kasi ang unang Filipino group na nagtanghal sa nasabing event.

Maraming mga fans ang nasiyahan sa performance ng grupo kung saan kinanta nila ang “Cherry On Top” sa pre-show ng “M Countdown” stage.

Hindi lamang nakasama ang lider nila na si Jhoanna Robles dahil sa isyu ng kalusugan.

Ilan sa mga nagperform sa Crypto Arena sa California ay ang mga grupong ENHYPEN, NMIXX, STAYC, ZEROBASEONE, P1Harmony at BOYNEXTDOOR.

Naging bahagi rin sila sa convention ng special “Meet the Rising Stars: BINI”.

Bago nito ay inanunsiyo ng grupo na ang kanilang BINIverse show sa Araneta Coliseum ay inilipat sa Nobyembre 16 at 17 na gaganapin pa rin sa parehas na lugar.