-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ang Pinay girl group na BINI.

Sila lamang kasi ang unang Filipino music act na nakapuno ng 55,000-capacity ng Philippine Arena sa kanilang kick off ng BINIverse World Tour 2025 nitong Pebrero 15.

Noong nakaraang taong ay kinilala sila ng Billboard Philippines bilang Number 1 artist.

Ang grupo na binubuo nina Colet, Jhoanna, Aiah, Gwen, Maloi, Mikha, Sheena at Stacey ay nagpasikta ng mga kantang “Salamin”, “Pantropiko”, “Cherry On Top” at maraming iba pa.