-- Advertisements --

Dumating na sa South Korea ang Pinay girl group na BINI para sa pagdalo nila sa “Billboard K Power 100” sa Seoul.

Napili kasi ang grupo ng Billboard Philippines para mabigyan ng parangal sa “Voices of Asia Awards”.

Nakatakda rin nilang kantahin ang kanilang bagong hit song na “Cherry On Top” sa nasabing event.

Hindi naman maitago ng miyembro ng grupo na sina Mikha, Stacey, Maloi, Sheena, Jhoanna, Colet, Gwen at Aiah ang kasabikan na magtanghal sa nasabing event at tanggapin ang parangal.