-- Advertisements --

Nominado ang Pinay girl group na BINI sa Best Asia Act ng 2024 MTV Europe Music Awards (EMA).

Makakatunggali nila na mga grupo mul asa South Korea na ILLIT; Mahalini mula sa Indonesia; MASDO ng Malaysia at Sakurazaka46 ng Japan.

Nagsimula na ang botohan at magtatapos ito sa Nobyembre 6.

Magaganap naman sa Nobyembre 10 ang awarding ceremony sa Co-op Live sa Manchester, England.

Ang walong miyembro na grupo ay siyang nagpasikat ng mga kantang “Salamin, Salamin”, “Pantropiko” at maraming iba pa.