-- Advertisements --

Tinawanan lamang ng P-pop group na BINI ang alegasyon ng isang simbahan na ang kanta nila na “Salamin-Salamin” ay nagsusulong ng pangkukulam.

Ayon sa isa sa mga miyembro nito na si Colet, na nakakatawa talaga ito dahil sa may nabuuo na ganiyang kuwento sa kanta nila.

Habang ang isang miyembro na si Maloi na sinabing “Fake News” ang nasabing alegasyon.

Dagdag pa nito na maganda ang nasabing kanta at hindi kailanman na ito ay nagsusulong ng pangkukulam.

Magugunitang inakusahan ng content creator na Follow Jesus Ministry na ang kanta ng BINI na “Salamin, Salamin” ay nagsusulong umano ng pangkukulam.