-- Advertisements --

Personal nang naipaabot ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang kalahating milyong pisong donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Sina Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold at Miss Intercontinental 2021 “Cindy” Obeñita ang nag-abot ng tseke kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon at iba pang opisyal.

Si Cindy o Cinderella Faye, ang pangalawang Pinay na nakasungkit ng Miss Intercontinental crown.

Habang si Hannah naman ay tatangkain pang maibigay sa bansa ang pang-pitong Miss International title sa coronation na gaganapin sa Japan sa susunod na taon. Nakansela kasi ang big night noong nakaraang buwan dahil pa rin sa pandemya.