-- Advertisements --

Mismong si Robin Padilla ay umaasa na magkakabalikan pa ang kanyang anak na si Kylie at napang-asawa nitong kapwa artista na si Aljur Abrenica.

Ito’y kasunod ng pagbunyag ni Binoe na totoong hiwalay na pala ang 28-year-old actress at 31-year-old actor kasabay ng pagbuking na dahil sa isyu ng “third party.”

Kyle and Aljur
Aljur and Kylie

Ayon sa “Bad Boy in Philippine Showbiz,” wala siya sa posisyon para husgahan ang son-in-law dahil maging siya ay ilang beses nang may karanasan sa pagiging “chick boy” noong kabataan niya.

Makakapagpawala lang daw ng kanyang pagiging kalmado sa pambababae ni Abrenica, ay kung malaman niya na pisikal nang masasaktan ang kanyang anak.

“Hindi na kailangan (mag-sorry ni Aljur). Ang baduy nun! Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal. Huwag mo gagawin ‘yun sa anak ko. Hindi ko sinaktan yung batang ‘yan. Huwag mo gagawin yun, pare. Pero yung ganyang baba-babae, natatawa pa ako diyan,” saad nito kay Ogie Diaz sa YouTube vlog nitong July 7 (07-07).

Sa ngayon sa pagkakaalam ng action star husband ni Mariel Rodriguez ay nagkakausap pa rin ang mag-asawa tulad noong nagdaang Father’s Day, para sa kanilang dalawang anak na lalaki.

Kamakailan lang nang ilarawan ni Aljur na na-mismanage lang nila ni Kylie ang problema na pinagdadaanan naman daw ng lahat ng mag-asawa.

Noong International Women’s Day, pinuri ni Abrenica ang celebrity wife sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nito kung saan makikita ang iba’t ibang face expression ng tinawag nito bilang kanyang reyna.

Dito ay napansin din na may suot na uli si Kylie na singsing sa kanyang daliri.

Ang pagkakaayos nina Padilla at Abrenica ay kasunod ng insidente kung saan naospital ang kanilang anak matapos makagat ng aso.

Unang nagdulot ng ispekulasyon sa kani-kanilang fans ang misteryosong posts ng celebrity couple.

Kabilang dito ang hugot ng aktres sa pagiging “submissive, but not stupid,” at ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Habang kay Aljur, may hawak siyang rosaryo kung saan nagdasal aniya siya kaya nagkaroon ng peace of mind.

Taong 2017 nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nito dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.