-- Advertisements --

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos Binondo-Intramuros bridge sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado na posible bago ang Holy Week ay mabuksan na ang nasbing tulay.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa 90 percent ng tapos ang 680 meters na tulay.

Kapag mabuksan na ang nasabing tulay ay makakatulong ito na maibsan ang trapiko sa lugar.

Kasalukuyang ginagawa ngayon ang rampa ng tulay na magdudugtong sa Binondo at Intramuros.

Gawa umano ang prefabricated components mula sa Shanghai, China sa bahagi ng Binondo na makikita sa Muella de Industria Street sa Rentas Street at Plaza de Conde Street.

Nagkakahalaga ang nasabing tulay ng P3.38 bilyon na government aid grant mula sa China.

Kapag nabuksan na ang tulay ay mabebenepisyuhan ang nasa 30,000 sasakyan kung saan mayroon din itong inilaan na bike lanes.