-- Advertisements --

Gagawa ng plant-based COVID-19 ang pinakamalaking vaccine-maker sa mundo na GSK.

Kasama ng Canadian biopharmaceutical company ang tobacco company na Philip Morris para makagawa ng nasabing bakuna.

Kabilang kasi ang kumpanya sa ilang drug company na nag-uunahan para makagawa ng bakuna at makahanap ng lunas sa nasabing coronavirus.

Sa kasalukuyana niya ay mayroon ng na-develop ang Canadian firm na Medicago kung saan gamit ang dahon ng halaman bilang bioreactors na gagawa ng three-spike protein ng novel coronavirus.

Umaasa ang kumpanya makakagawa na sila ng bakuna sa unang quarter ng 2021.