-- Advertisements --

Ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang biometric system sa pag-proseso ng mga pasahero sa mga paliparan sa Pilipinas.

Ito ay bahagi ng modernization program sa transport system ng ating bansa.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, sisimulan ang pilot implementation ng Biometrics Passenger Processing System sa Iloilo International Airport.

Paliwanag ng kalihim na mapapadali ang pagproseso sa mga pasahero at mapapahusay pa ang mga security protocol sa pamamagitan ng naturang biometric system. Gayundin aniya ang embedded biometric data sa mga pasaporte ay magbibigay daan sa mga pasahero para pumasa sa check-in, security at boarding gates.

Ipapatupad ang proyekto sa 2 bahagi. Sa unang phase, target dito ang mga Pilipinong pasahero na gumagamit ng National ID habang sa phase 2 naman ay isasama na ang mga dayuhang pasahero na gumagamit ng kanilang e-passports sa pagbiyahe sa bansa.