-- Advertisements --

Target ng BioNTech at Pfizer na makagawa ng 2.5 bilyon na COVID-19 vaccines hanggang sa katapusan ng 2021.

Ayon sa kumpanya na kaya nilang maabot ang nasabing bilang dahil sa pagtatayo ng kanilang bagong pasilidad sa Marburg City, Germany.

May mga isinasagawa na rin silang pag-uusap sa mga partners nila para sa nasabing expansions ng nasabing mga bakuna.

Inaasahan din ang sales nila ngayong taon ay aabot sa $11.7-B.

Kasalukuyang gumagawa ang kumpanya ng ikatlong dose ng bakuna para lalong tumagal ang bisa nito laban sa bagong variant ng COVID-19.